Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

The Power Of Storytelling To Children (Part 2)

- for Friday, Dec 22, 2006
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

"Anak, kwentuhan tayo!" Ang story telling ay isang skill na dapat binibigyan ng panahon para ma-develop. Ito'y magbibigay ng panghabambuhay na resulta sa buhay ng ating mga anak. Ituro natin ang salita ng Diyos sa pamamagitan kwento.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Maraming pwedeng pagpilian na mapaglilibangan ang ating mga anak at madalas pinauubaya na natin sila sa mga ito, tulad ng video games at TV. Ngunit isang bagay ang hindi kayang ibigay ng mga ito sa ating mga anak—ang closeness at personal nating atensyon. At sa pamamagitan lamang ng STORYTELLING maibibigay natin ang napakahalagang bagay na ito.

MUSIC 1:      SA ‘YO (Leo of Verse 5)

SPOT

DISCUSSION (with Mr. Jay Menes)

TOOLS of a Storyteller

  • LIBRO
  • VOICE
  • Facial Expression
  • BODY Movement

KAYANG-KAYA with Grace Tia (CONSERVING WATER)

Mahalaga ang tubig kaya heto ang mga TIPS para makatipid ng tubig sa ating tahanan:

  • Patayin ang gripo habang nagsisipilyo o naghuhugas ng kamay
  • Magdilig ng halaman sa umaga o sa gabi
  • Kung umuulan, ipunin ang tubig na galing sa alulod
  • Ayusin o ipaayos ang sirang gripo o tubo
  • Huwag hayaang tumutulo ang gripo
  • Gumamit ng timba at tabo kung maghuhugas ng sasakyan
  • Maglaba ng minsanan at hindi paisa-isa
  • Gumamit ng plangana sa pagbanlaw kung mgahuhugas ng pinggan

HOST

Huwag nating hayaang mawala ang tubig bago tayo matutong magtipid.

DISCUSSION (with Jay Menes)

Kayang magawa ng kahit sinong magulang ang magkwento sa kanilang mga anak. Kinakailangan lamang na magkaroon ng libro at alam ng magulang ang ikikiwentong libro.

Mahalagang mga kwentong may kwenta o mga kwentong may moral value ang ibibigay natin sa kanila. Maraming libro ang nabibili sa Christian bookstores na siguradong may mga moral at biblical values na maaring nating ituro sa ating mga anak. Mahalagang makita nila na tayo din ay nagbabasa para magsilbing halimbawa para sa kanila. Sa pamamagitan ng pagkwento yumayaman ang vocabulary ng ating mga anak, natututo din silang maging creative at nai-inspire natin silang magbasa. Tandaan natin na ang storytelling ay isang skill na dapat i-cultivate at bigyan ng panahon para ma-develop.

SPOT 

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (The POWER OF STORYTELLING TO KIDS) (Part 2)

Wala sigurong John Wesley kung walang Susana Wesley na nagtiyagang magbigay ng oras sa bawat anak niya na magkwento mula sa Bibliya. Maging si Hesus ay walang sawang nagkwento sa mga bata at matatandang Judio. Inutos ng Dios sa mga Judio na turuan ang kanilang mga anak sa kautusan at turuan silang sumunod sa mga ito. Ang mga kwento sa Bibliya ay mga kwento na dapat na pakinggan ng ating mga anak. Kung ang batang nagbabasa ng libro ay lumalaking matalino lalo na seguro kung mismo tayong mga magulang ang nagkukwento sa kanila. Hindi lamang utak kundi pati puso nila ay lalaking mabuti at maganda. Sabihin mo sa mga anak mo “anak kwentuhan tayo”.

HOST

Mas maganda kung yung mga kwentong mababasa natin sa Biblia ang unang i-kwento natin sa ating mga anak.  Sigurado marami silang matutunan dito.

MUSIC 2:      PAG-IBIG MO

PAYO NI DOC with Dra Lyn Hipolito (SMOKING)

Pinaka-common na bisyo ang paninigarilyo. Ang pangmatagalang paggamit nito ay maaring magdulot na malubhang karamdaman: lung cancer, breast cancer (women) at sakit sa puso.

Ingatan natin ang kawatan natin dahil biyaya ito ng Panginoon. Heto ang mga TIPS para maiwasan ang bisyo ng paninigarilyo:

  • Maging derterminado sa pag-iwas dito.
  • Itapon ang lahat ng bagay na may kinalaman sa bisyong ito (ashtray, lighter, etc)
  • Maging matatag sa pagtanggi sa alok ng paninigarilyo
  • Kumain ng menthol candy at uminom ng tubig
  • Magkaroon ng ibang paglilibangan.

HOST         

Inaanyayahan po namin kayong makipag-ugnayan sa amin. Kung meron po kayong mga topics na gusto nyong pag-usapan natin dito, huwag po kayong mag-atubiling ipadala sa amin at sisikapin naming tugunan yan, para mas lalo pang makatulong sa inyo ang Rated PG. Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Church of the Nazarene.   

EXTRO TAG

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now