Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

Tribute To Mothers: A Mothers’ Day Special

- for Friday, May 4, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Isang larawan ng walang kapantay na tapang at pagmamahal ang isang Ina ng tahanan. Sa likod na sakripisyo at paghihirap ay pag-ibig na walang kapantay para sa pamilya. Tunay ngang hindi kayang tawaran ang kahalagahan ng ina sa ating mga buhay at tahanan.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

INTRO SPOT

HOST

Challenging talaga ang ginagampanang role ng bawat ina sa tahanan. Mula sa pinag-daanang hirap upang tayo ay mabuhay dito sa mundo hanggang sa pag-aaruga ng mga anak. Isama pa ang pagsisilbi sa kanilang mga asawa pati na ang paggawa ng mga gawaing bahay. Tuloy, madalas siya ang na pinaka-maagang gumising at ang pinaka-huling magpahinga pagsapit ng gabi. Tunay na walang katumbas ang sakripisyo ng isang ina sa ating mga buhay at tahanan.

SONG 1:      MAHAL KITA INAY ( S Magdayao & J Rivera)

HOST

Ito ang Rated PG na bumabati sa lahat ng mga ina ng tahanan ng Happy Mothers Day.

DISCUSSION (with Carol Benzonan and Luz Tamayo)

Larawan ng isang special at unique na nilalang na may specific identity ang ating mga ina. Mga ina na protective, supportive, instructive, at loyal ang nagiging daan upang ang mundo ay tunay na maging kakaiba. Ang totoo, higit pa silang apektado sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang mga anak (emotional, physical etc).

SPOT             INA (from WOH)

PAMANA with Pastor Cryz Colorado (Mothers Day Tribute)

Hindi kayang tawaran ang kahalagahan ng ina sa buhay ng kanyang pamilya. Siya ang nagsilbing instrumento upang tayo ay mabuhay sa mundo, nagtiis at naghirap sa loob ng siyam na buwan, nagbantay sa magdamag, taga-timpla ng gatas kapag tayo ay umiyak at taga-palit ng lampin o diaper. Minsan sila rin ang naghahanap-buhay para mabigyan tayo ng mas magandang buhay. Sa Biblia matatagpuan ang ilang ina na nagpakita ng walang kapantay na tapang at pagmamahal. Ang ina ni Moses na nagtago sa kanya na nagbigay daan upang si Moses ay maging leader ng Egypt. Ang ina ni Samuel na nag-alay sa kanya sa templo at nagturo sa kanya kung paano makinig sa Diyos at si Maria na naging ina ni Hesus noong sa mundo pa siya. Sa katunayan hindi pinaba-yaan ni Hesus si Maria. Ipinagtagubilin niya ito sa kanyang alagad bago siya namatay. Tunay na pinagpala ng Diyos ang mga ina ng tahanan dahil wala silang katulad at kapantay.

DISCUSSION (with Carol Benzonan and Luz Tamayo)

“Ilaw ng tahanan” ang pinaka-popular na tawag sa kanya dahil kahit saan mang madilim na aspeto ng tahanan at pamilya nandoon ang siya para magsilbing ilaw. Tinatawag din siyang LAPIS dahil nag-iiwan siya ng marka sa buhay ng kanyang mga anak. At may eraser din ito upang ipangbura sa mga kamalian niya. Yan ang INA at nagiging rewarding ang pagiging ina kung hindi lamang tayo nagiging ina kundi kaibigan din nila. At tunay na reward para sa isang ina ang maramdaman at marinig mula sa kanyang mga anak ang kanyang kahalagahan. Sana, kahit mag-isa ay gampanan natin ang ating tungkulin sa ating mga anak. Tandaan natin na nilikha tayo ng Diyos for a very specific purpose. At ang pagiging ina ay isang role na itinakda Niya para sa atin at katuwang natin Siya sa pagpapalaki natin sa ating mga anak.

SPOT

KAYANG-KAYA with Grace Tia (Mothers Day Tribute)

Ipadama natin sa ating INA kung gaano natin siya kamahal at kung gaano siya ka-special sa buhay natin sa pamamagitan ng sumusunod:

  • Maghanda ng masarap na agahan kasama ng kanyang paboritong kanta.
  • Pumitas ng halaman o magbigay ng bouquet ng bulaklak
  • Kung malayo, magandang magipon-ipon at surprisahin siya sa kanyang bahay.
  • I-treat siya sa isang araw na pag-rerelax at pagpapaganda.
  • Ibigay ang pinakamahusay at pinaka-magandang paglilingkod sa kanya.

PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Getting Enough Exercise)

Heto ang ilang mga exercises para sa lahat pati ang ina ng tahanan:

  • Maglinis ng bahay (pag-aagiw at paglalampaso): pag-uunat ng kamay, balakang, baywang, balikat at mga kasu-kasuan.
  • Maglakad kung malapit lamang ang pupuntahan
  • Sumali sa ibat-ibang sports kasama ang buong pamilya (badminton, swimming)
  • Ituwid ang Posture para sa maayos na daloy ng oxygen sa katawan at utak.

Hindi kalabisan ang pag-aalaga ng katawan. Mas magagawa ng maayos ang trabaho kung malusog tayo. Tandaang, templo ng banal na Espiritu ang ating katawan kaya dapat lang na alagaan.

SONG 2          MARAMI PONG SALAMAT, NANAY (C Sotto)

HOST

Dapat lamang na parangalan ang mga ina ng tahanan dahil sa kanilang paghihirap, pag-ibig, pagtitiyaga at pagpapagal na alay sa kanilang mga anak. At para sa mga anak, sana hindi lang tuwing Mothers Day natin maalala si nanay, si mama, si mommy, kundi, everyday, maipadama natin ang sukli nating pagmamahal sa kanila.

EXTRO

Comments

Add Your Comments




Passcode
Would you like to receive email notices when comments are added for this episode?
Yes    No
join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now