
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Tinaguriang "cheap baby-sitter" ang telebisyon dahil madalas itong ipamalit ng mga magulang sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Huwag ipagkatiwala sa TV ang paghubog sa kaisipan ng ating mga anak at tuluyang mawala yung dapat sanang pag-gabay natin sa
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Tinaguriang isa sa mga pinaka-maimpluwensya ang telebisyon ngayon sa larangan ng media. Naapektuhan nito hindi lamang ang ating paningin kundi pati na rin ang ating pandinig at emosyon. Mga magulang, ano ang pinapanood ng ating mga anak sa telebisyon? Sana ay hindi Telebisyon ang nagsisilbing yaya sa kanila. Huwag hayaang Telebisyon ang mag-baby sit sa kanila at tuluyang mawala yung dapat sanang paggabay natin sa kanila.
SONG 1 BATANG-BATA KA PA (J Gibbs)
DISCUSSION (with Mr. Bong Gualberto)
May positibo at negatibong impluwensya ang telebisyon. Ilan sa mga advantages: nagi-inform, nag-e-entertain at ginagamit din itong mode of instruction sa mga paaralan. Pero, sabi nga, “Too much of everything is dangerous”, kaya ang hindi tama o sobrang paggamit ng telebisyon ay wala ring magandang maidudulot. Mapapanood sa telebisyon ang sari-saring basura tulad ng violence, romance at mga love story na sobra para sa mga bata. Tinaguriang CHEAP Baby Sitter ang telebisyon sa dahilang madalas itong ipinapapamalit ng mga magulang sa pag-aalaga sa kanilang mga anak. Hindi masama ang manood ng TV basta masiguro natin na tama ang kanilang pinapanood at hanggang kailan sila manonood.
PAMANA with Pastor Cryz
Madalas nating makita ang
paalalang ito: “some scenes are not suitable for young audiences. Parental
Guidance is advised”. Mga magulang, pinapakita lamang nito na hindi lahat ng
napapanood sa TV ay nakakatulong sa mga murang isipan ng mga anak natin. Pero marami
pa rin sa atin ang hinahayaang maging yaya o tagapag-alaga ng ating mga anak
ang TV. Utos ng Bibliya na maging laman ng ating mga isip ang mga bagay na magaganda,
kapuri-puri, totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig at kagalang-galang.
Ito ba ang mga bagay na pumapasok sa ating mga anak kapag sila ay nanonood ng
TV? Huwag
sana
nating ipagkatiwala sa TV ang paghubog sa kaisipan ng ating mga anak. Samahan natin
sila sa panonood ng TV, ipaliwanag natin ang mga bagay na hindi nila
maintindihan at ipaliwanang kung bakit hindi nila dapat panoorin ang mga
palabas na ito.
HOST
Ito ang Rated PG, isang gawain mula sa Church of the Nazarene.
DISCUSSION (with Mr. Bong Gualberto)
ROLE of Parents sa pag-resolve
ng problema sa TV
Baby-sitting
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Leftovers)
Mga TIPS kung paano natin maiiwasang magtapon at magsayang ng pagkain:
Mas mahalaga ang kalusugan ng ating pamilya kaya siguruhing malinis ang inihahain natin sa kanila. Tandaan, ang lahat na ating natatanggap ay biyaya ng Diyos kaya pasalamatan at pahalagahan ito.
SPOT / JINGLE
SONG 2 MIRACLE (Henry Santos)
HOST
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Head Lice)
Paano ba maso-solusyunan ang pangangati ng ulo ng ating mga anak.
Hindi sign ng poor hygiene ang pagkakaroon ng kuto, kahit sinong bata, mahirap man o mayaman ay maaring magkaroon nito. Kaya maging maingat upang hindi mahawaan nito.
HOST
Huwag nating hayaang maging baby-sitter ng ating mga anak ang telebisyon. Siguruhin nating tama ang kanilang pinapanood. Gabayan sila sa kanilang pinanonood at mahalaga din ang pagbigay ng limitation sa kanilang panonood. Ito po ay resppnsabilidad natin bilang mga magulang. Tandaan, marami pang paraan maliban sa pagharap sa TV ang maaari nating gawin para sa ating mga anak.
EXTRO TAG
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.