
We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family
Katuwang ng Diyos tayong mga magulang sa pagpapalaki at paghubog ng uri ng buhay na nais Niya para sa ating mga anak. Sino pa ang aakay sa kanila patungo sa buhay na ito kundi tayo at ang ating halimbawa. Yan ang klase ng magulang ang nais ng anak natin.
Program Notes or Transcript
INTRO SPOT
HOST
Papasa ka kaya kung pakikinggan mo ang anak mo sa kung anong klaseng parent ang gusto niya? O baka sasabihin mo lang na “ako ang magulang at alam ko kung anong tama para sa anak ko”. Tandaang, hindi ibig sabihing magulang tayo at tayo lang ang tama. Maganda segurong ma-remind tayo dahil hindi tayo perfect at may kamalian din.
SONG 1: YOU
NEVER LET ME GO (Bridges)
DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat and Carol Benzonan)
Relasyon ng magka-parehong lahi at hindi pwedeng piliin ang relasyong magulang at anak. Hindi pwedeng piliin ng magulang ang kanyang anak at ganun din ang anak sa magulang, kaya ang kailangan na lamang ay ma-maintain ng maayos yung relationship na ito. Heto ang ilang mga Inventory Questions upang mapalago ang relasyon natin sa ating mga anak:
KAYANG-KAYA with Grace Tia (Teaching Children the Value of Money)
Ituro natin sa ating mga anak ang kahalagahan ng pera at ang papel na ginagampanan nito sa ating buhay. At maging mabuting halimbawa sa kanila dahil kung ano ang nakikita nila sa atin tiyak na yun din ang kanilang gagawin.
SPOT
DISCUSSION (with Ptr. Jun Suyat and Carol Benzonan) Inventory Questions
Kung walang Diyos hindi kaya ng magulang na palakihin ang kanyang mga anak. Kaya nga, kung uunahain ang Diyos at sa kanya matatapos everything will be good.
SONG 2: TANGLAWAN (Richard Reynoso)
HOST
Ito ang Rated PG, isang programa mula sa gawain ng Church of the Nazarene. Mga kaibigan, gusto po naming malaman mula sa inyo, kung paano nakakatulong ang program naming ito. Ipa-abot sa amin ang mga comments or suggestions niyo.
PAMANA with Pastor Cryz
(What Kind of Parents Do Children
Need?)
Kailangan ng maingat na pagsusuri sa ating mga sarili bago masagot ang katanungang ito. Mga magulang, mahalagang maunawaan na katuwang tayo ng Diyos sa paghubog ng uri ng buhay na nais Niya para sa ating mga anak. Tiyak na ang gusto ng ating mga anak ay isang magulang na matatag na nagpapaunawa at nagpapatupad ng mga kautusan ngunit nanatiling mabuting kaibigan. Magulang na kayang pasunurin ang mga anak ng masaya at hindi dahil sa takot na may pagrerebelde. Higit sa lahat ay mga magulang na may takot sa Diyos at aakayin sila sa landasin ng Diyos. Kung kaya nating tukuyin kung ano ang pinaka-makahalaga sa buhay ng ating mga anak.at kung ano ang nais ng Diyos para sa kanila, tayo ay kikilos para matupad ang mga ito.
SPOT
PAYO NI DOC with Dra. Lyn Hipolito (Minerals)
Bukod sa vitamins kailangan din natin ang kumpletong minerals para maging healthy.
HOST
Sana ay magkaroon tayo ng malinaw na answers sa mga nai-share na inventory questions dahil dito rin po nakasalalay kung anong klase ng mga anak ang maaari nating mapalaki. Tunay na ang mga magulang ay mga katuwang ng Dios sa pagpapalaki ng ating mga anak, kaya dapat nating isaalang-alang yung mga bagay na ito at hindi dapat balewalain.
EXTRO
Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.