Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

What Parents Should Teach Kids About Christmas

- for Friday, Dec 7, 2007
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

Natatakpan ng ingay ng mga caroling, mga parol at maraming regalo ang tunay na diwa ng Pasko lalo na sa mga bata. Huwag hayaang ang nakikita sa kapaligiran ang bumuo ng Pasko sa kanilang isipan, sa halip ituro sa kanila na si HESUS ang dahilan ng PASKO.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

Sinasabing “ang Pasko ay para sa mga bata”. Marahil ito ay dahil sa napakaraming regalong natatanggap nila na nagpapasaya sa kanila tuwing sasapit ang Pasko. Pero ang tanong, malinaw nga bang nauunawaan ng mga bata o ng ating mga anak kung bakit mayroong Pasko at kung saan nagmula ang masayang panahong ito? Tungkulin natin bilang mga magulang na ituro sa ating mga anak ang katotohanan tungkol sa “Pasko”.

WHAT TO TEACH CHILDREN ABOUT CHRISTMAS

Dahil sa napakaraming bagay na umaakit  sa mga mata ng bata tuwing Pasko, mahalagang maipa-unawa natin sa ating mga anak bilang mga magulang ang tunay na diwa nito. Dahil kung hindi natin ito magagawa, si-sentro ito sa pagiging materialistic na pagdiriwang sa halip na matuon sila sa mas mahalagang katotohanang spiritwal. Subalit bago pa man natin maituro ang mga ito sa ating mga anak, mahalagang nauunawaan natin mismo na ang tunay na diwa sa pagdiriwang na ito ay ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesu Kristo na nagbigay daan sa kapatawaran ng ating mga kasalanan.

TIPS ON HOW TO TEACH KIDS ABOUT CHRISTMAS

  • Deal with it historically (BIBLE)
  • Ipakita ang katotohanang ito ay tunay at hindi haka-haka
  • Ipaliwanag ang katotohanan sa likod ng kanilang nakikita (Santa Claus, Gift-Giving, Star)
  • Maging handa tayo sa pagtugon sa mga tanong ng ating mga anak.

Mga magulang, kung meron isang okasyon na dapat na pinahahalagahan natin, ito ay ang kapaskuhan. Ituro natin sa ating mga anak ang tunay na diwa kung bakit may Pasko. At walang mas malinaw na paliwanag para sa kanila kundi ang mga katotohanang naihayag sa Biblia. Basahin sa kanila ang kwento ng unang pasko upang lalo nilang maunawaan at pahalagahan ang araw ng pagsilang ni Hesus. Huwag hayaang maligaw ang kanilang paniniwala sa kung ano ang nakikita nila sa kanilang paligid. Mag-initiate dahil malaki ang ating responsabiliadad na maipaliwanag ang mga katotohanang ito sa ating mga anak.

PAMANA with Pastor Cryz Colorado

Mga bagong damit, masasarap na pagkain, mga regalo at mga magagandang palamuti ang tila naglalarawan ngayon ng Pasko. At seguro marami pang mga bagay na kung wala ang mga ito ay para bang wala ng Pasko. Tuloy marami na rin ang nananalangin na sana wala na lang pasko o ma-postpone ito until next year dahil wala silang pera. Huwag sana nating isipin na regalo, pagkain at damit ang tunay na simbolo ng kapaskuhan. Ang tunay na kahulugan ng pasko ay ang pagsilang ni Kristo na nagbigay daan sa kaligtasan ng tao. Kung wala siya, walang pasko. Siya ang dahilan ng Pasko. Sinabi sa Biblia, ‘sapagkat ipinanganak ang isang sanggol na lalaki at siya ang mamahala sa atin. Siya ang kahanga-hangang tagapayo, ang makapangyirahang Diyos, walang hanggang ama at ang prinsepe ng kapayapaan. Kaibigan muli nating ibalik si Krsito bilang sentro ng ating pagdiriwang.

KAYANG-KAYA  with Grace Tia (CHRISTMAS RECIPE)
CHOCOLATE COOKIES SQUARES

PAYO NI DOC  with Dra. Lyn Hipolito (ANTIBIOTIC OVERDOSE)

Madalas nating ibigay na lunas sa sipon, ubo at sore throat ang antibiotics. Subalit tandaan na ang sobrang paggamit nito ang dahilan din kung bakit maraming bacteria ang hindi na tinatalaban nito at nailalagay sa isang delikadong sitwasyon ang isang batang nag-titake ng antibiotics. Heto ang mga TIPS upang maiwasan ang Antibiotic overdose:

  • Seguraduhing ipatingin sa doctor ang maysakit (only bacterial infections need antibiotics)
  • Gumamit lamang ng antibiotic kung ito ay nirereseta ng doctor.
  • Kumpletuhin ang dosage nito
  • Huwag mag-self medication gamit ang antibiotics
  • Huwag magtabi ng antibiotics sa ating tahanan.
  • I-discard ang hindi naubos na antibiotics
  • Huwag manghiram ng reseta ng iba

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now