Tour WMC-AP

Rated PG

Rated PG logo

We know parenting is never an easy task. Rated PG is a Tagalog program, aired weekly, which talks about family issues with segments on health, practical tips and biblical perspective, a total program for parents to healthy and happy home and family

Airing on: Cabanatuan City, Zambales and Cagayan de Oro City

When Both Parents Work

- for Saturday, Apr 12, 2008
comments
RSS feed
join the forum
listen to this podcast

Overview

What are the effects when both Parents work.

subscribe now

 

Program Notes or Transcript

HOST: Matagal na panahon na rin ang lumipas, pero matatandaan pa siguro natin na sa isang tipikal na pilipinong tahanan, ang tatay lamang ang syang naghahanapbuhay para sa pamilya.  Si nanay naman, ay ang mistulang homemaker, tagapangasiwa ng bahay, nag-aasikaso sa kanyang asawa at nag-aaruga sa kanyang mga anak, at makikita lamang sa loob ng tahanan. 
Pero habang lumilipas ang panahon, nagkakaroon ng pagbabago sa ganitong set up ng pamilya. Ngayon iba na! Dahil na rin sa kalagayang ekonomiya ng ating bansa apektado ang bawat pamilya, kung kaya nga kinakailangan na rin ang pagkayod hindi lamang ni tatay kundi maging ang paghahanap buhay na rin ni nanay sa labas ng tahanan.
Alam ko maraming makaka-relate sa inyo ngayon tungkol sa pag-uusapan natin dito sa program. Ako personally, I’m sure marami akong matutunan, dahil ako rin po ay isang working mother na katulad siguro ng marami sa inyo dyan. So paano nga ba kung parehong nagtatrabaho ang magulang ng isang pamilya? Meron ba itong epekto sa pagpapalaki ng kanilang mga anak?  Subukan po nating sagutin ang ilang mga questions na yan sa pagpapatuloy ng ating program.
    Muli, ako po si Emily Bolinas, samahan nyo po ako sa kalahating oras ng kapaki-pakinabang na talakayan at iba pang mga segments dito pa rin sa programang katuwang ninyo mga parents, sa pagkakaroon ng masaya at matatag na tahanan, ang Rated PG. 

SONG 1:    Kaibigang Matalik ( C. DelaPaz & J. San Juan)

HOST: Ito pong muli ang Rated PG, isang palatuntunang sadyang isinasahimpapawid ng Church of the Nazarene at ng mga kaibigan natin sa himpilang ito para makatuwang n’yo sa pagtataguyod ng isang malusog, masaya at matatag na tahanan. Layunin po namin na makatulong at makapaglingkod kami sa inyo kahit man lang sa pamamagitan ng programang ito.

Okay, di ko na po patatagalin pa, syempre, as usual, meron na naman tayong makakapanayam ngayon para pag-usapan yung topic natin ngayon. Isa rin po syang working mom. Actually, talagang kahit ano pinapasok nito eh, basta pagkakakitaan, kumbaga eh, madiskarte talaga. At bagong kabahagi sya ng Rated PG, dahil sya po ang researcher namin sa ngayon at writer na rin.  So, I’d like to welcome her sa show natin today, Ms. Shy Celestial, first time dito sa Rated PG. Hi ate Shy kumusta?
RESPONSE

Ayan, shy lang po ang name nya, pero hindi naman sya talagang mahiyain, diba?  Well, si ate shy po ay may isang asawa, syempre pa, si Kuya Rex at may dalawa syang supling, tama ba?
RESPONSE ( telling her kids’ name and their ages)


Ate shy, ano na as a working mom, ang mga pinasok mong trabaho na kinakailangan kang lumabas ng inyong tahanan? I mean kasi merong ibang mga nanay, nagsa-side line lang kumbaga pero nasa bahay pa rin, like yung pag-tinda-tinda ng merienda, sa umaga or sa hapon, pananahi? Pero iba pa rin yung talagang kailangan kang lumabas ng bahay dahil sa trabaho?
RESPONSE

I know si kuya Rex non ay nagwo-work sa Japan diba? During that time, may work ka rin ba noon?
RESPONSE

Pero, when you started your family, talagang si kuya Rex lang ang nagta-trabaho before? Or antimano, parehas na kayong working?
RESPONSE

Ikaw ate shy, ano yung main reason mo, bakit ka kailangang mag-work non, kasabay ng pagta-trabaho ni kuya Rex?
RESPONSE

Ito rin kaya ang madalas na reason ng iba pang mga misis ng tahanan,kung bakit sila ay nagta-trabaho rin? Or meron pa ba silang ibang malinaw na dahilan para makipagsabayan si misis kay mister sa pagtatrabaho?
RESPONSE

Ayon. Well mga kaibigan, ipagpapatuloy pa natin ang interesting na discussiong ito, kasama pa rin syempre si Ate Shy. At tingnan naman natin kung ano yung mga advantages at disadvantages ng isang dual-family income kung saan parehong naghahanap-buhay ang both parents ng isang pamilya, si nanay at si tatay. Sa pagbabalik po namin yan, meanwhile, mapapakinggan muna natin ang ilang mga praktikal na paalala syempre pa, galing pa rin sa Kayang-kaya, narito po at pakinggan natin si Grace Tia.

Kayang – kaya w/ Grace Tia
Ironing Clothes Tips

HOST: Thank you very much Grace. Subukan n’yo yan parents yan mga practical tips na yan, from Kayang-kaya, na siguradong mapapakinabangan nyo sa inyong mga tahanan.

At nagpapatuloy pa rin po ang Rated PG, sa ating talakayan dito, still with our guest syempre, si Ate Shy Celestial.

Now, Ate Shy, ano naman po yung mako-consider nating advantages kung parehong nagwo-work ang both parents sa isang pamilya?
RESPONSE

Syempre, malinaw na advantage yon.  How about sa part ng mga anak, how are the kids affected naman, kung sabay na nagtatrabaho ang kanilang mga magulang?
RESPONSE

Ready naman kaya ang mga anak sa ganitong set up ng kanilang mga magulang?
RESPONSE

Ano namang disadvantage ang mako-consider natin when both parents are working?
RESPONSE

Ayon, syempre hindi natin maiwasan kung minsan yung need, kung kaya kailangang mag-work both ang mga magulang diba, so since nangyayari naman ito talaga, anon a lang po ang maaari nating ibigay na mga reminder sa mga parents ngayon? Ano yung mga dapat isaalang-alang kung parehong nagtatrabaho ang mga magulang?
RESPONSE  (Enumerating some reminders for parents)

Ayan, so mga parents, we just need to remember itong mga paalalang ito. Kasi talagang kailangan nating mag-exert ng mas maraming effort sa ating mga anak kung tayo po ay mga working parents. Para ma-ensure pa rin ang happy and healthy family natin, diba.

Well, thanks ate Shy sa mga naibahagi mo sa amin ngayon.
RESPONSE

I’m sure malaking tulong ito sa maraming parents na nakikinig sa atin, again thanks Ms. Shy Celestial. Okay, sa pagkakataong ito, biblical insights naman ang mapapakinggan natin mula kay Pastor Cryz ng ating Pamana segment.

PAMANA with Ptr. Cryz Colorado
When Both Parents Work

SPOT: Rated PG spot

PAYO NI DOC
Diaper Rash

SONG 2:    Kahit Saan, Kahit Kailan ( Faith)

HOST: Nauunawaan po natin ang maraming magulang kung minsan, kailangan nilang malayo ng mahabang oras sa pamilya dahil sa paghahanap-buhay. Sana lang po, kahit sa ganitong sitwasyon,  mapanatili nating happy at healthy an gating tahanan. Kahit sa gitna ng pagod, parents, sikapin pa rin nating bigyan ng atensyon ang ating mga anak, yung communication natin sa kanila, panatilihin nating open, maglaan pa rin tayo ng quality time, at kahit sa absence natin sa tahanan, madama pa rin ng ating mga anak yung pagkalinga at pagmamahal natin bilang magulang. 

Mahalaga pong mabalanse natin ng maingat at maayos ang ating mga tungkulin sa trabaho at sa pamilya, para maging responsible parents tayo. Handa po ang Dios na tumulong sa atin at syempre ang programang ito.

Ako po si Emily Bolinas, nagpapasalamat sa inyong pakikinig. Until next week sa susunod na edisyon ng Rated PG, God Bless! Bye!

EXTRO

Comments

join the forum
email the host

Meet The Host

Emily "Emz" Garcia-Bolinas - Emz has never thought even in her wildest dreams to be involved in this kind of ministry. She was graduating from highschool when her spiritual mentor inspired her to go and take a bachelor's degree in Mass Communications. God continued to prepare the way until she became the main host of a youth program for almost 9 years. She started full time in the ministry of Fairbanks Media Center in January 2000. Emily is currently the Audio Productions Manager working for World Mission Communications - Asia Pacific. Emz, together with her household, Thadz her husband and their precious boys Caleb and EG have nothing except the desire of serving the one true God and live only for HIM.

Emily

Program Archive

October 2011
September 2011
August 2011
July 2011
June 2011
May 2011
April 2011
March 2011
February 2011
January 2011
December 2010
November 2010
October 2010
September 2010
August 2010
July 2010
June 2010
May 2010
April 2010
February 2010
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
September 2007
August 2007
July 2007
June 2007
May 2007
April 2007
March 2007
February 2007
January 2007
December 2006
November 2006
October 2006
September 2006
rss feed badge - get our rss feed now del.icio.us bookmark badge - add this page to del.icio.us digg.com badge - add this page to digg.com
valid xhtml badge - validate nowvalid css badge - validate nowvalid wai-aa badgevalid xml rss feed badge - validate now